26 C
Batangas

12 kumandidato sa Batangas, sure winners kahit on-going pa ang botohan

Must read

PROKLAMASYON na lang ang kulang para maging opisyal ang muling pagkapanalo ang anim (6) na mayor, apat (4) na vice mayor at dalawang (2) bokal sa Lalawigan ng Batangas.

Ang 12 nabanggit na kumandidato ay pawang mga walang nakalaban sa kani-kanilang posisyon.

Kabilang sa kanila sina reelectionist Mayor Eric Africa (Nacionalista Party) ng Lungsod ng Lipa; ang magkatandem na mayoralty candidate Jo-Ann Ponggos at katandem nyang si Mawee Abrigo, kapwa Nationalist People’s Coalition ng bayan ng Alitagtag; reelectionist Noel Luistro (PFP) ng Mabini; ang mother-and-son tandem ng Padre Garcia, kapwa re-electionist Mayor Celsa and Vice Mayor Micko Rivera (Liberal Party); magkatandem nina Mayor Beebong Salud (NP) ng San Juan at Vice Mayor Anthony Marasigan; at ang father-and-daughter tandem ng Tingloy, reelectionists Mayor Larry Alvarez at Vice Mayor Dra Mikee Alvarez, kapwa independent.

Sa ilalim ng batas, hindi kinakailangang makakuha ng botong katumbas ng mayoriya ng rehistradong botante ang mga tumakbong walang kalaban. Salip, basta may makuhang boto ang mga ito na katunayang sa kanilang pagtakbong muli ay may mandato silang matanggap mula sa kanilang constituents.| – BNN

- Advertisement -spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

More articles

BATANGAS CITY — Batangas State University, The National Engineering University (BatStateU The NEU), officially opened the 7th International Research Conference on Innovations in Engineering,...
PARIS, France — FORMER French president Nicolas Sarkozy on Tuesday became the first ex-head of state from a European Union country to be jailed,...
The Bud Dajo massacre in Jolo was carried out under the command of General Leonard Wood, the same figure who clashed with the Filipino...
- Advertisement -spot_img

Latest article

- Advertisement -spot_img