24.8 C
Batangas

12,456 pulis, ipakakalat ng NCRPO para sa ligtas na Semana Santa at bakasyon

Must read

LUNGSOD NG QUEZON — Nakahanda na ang National Capital Regional Police Office (NCRPO) na magpakalat ng kabuuang 12,456 na opisyal sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila upang matiyak ang kapayapaan at kaayusan ngayong darating na Semana Santa at bakasyon.

Ang deployment na ito ay bahagi ng isang “innovative at coordinated” na estratehiya sa kaligtasan ng publiko. Magtatalaga ng mga tauhan sa mga kritikal na lugar kung saan inaasahang dagsa ang tao, kabilang ang mga simbahan, terminal ng transportasyon, pangunahing kalsada, at mga komersyal na distrito.

Binigyang-diin ni NCRPO Chief Police Major General Anthony A. Aberin na ang plano sa seguridad ay nakatuon sa mabilis na pagtugon at “proactive intelligence” gamit ang makabagong teknolohiya.

As we enter this season of heightened activity, our efforts go beyond managing crowds or maintaining order; they focus on strengthening our shared sense of security. Every officer deployed, every patrol conducted, and every operation carried out reflects our unwavering commitment to the people we serve (Sa ating pagpasok sa panahong ito ng masiglang aktibidad, ang ating mga pagsisikap ay higit pa sa pamamahala ng mga dagsang tao o pagpapanatili ng kaayusan; nakatuon ang mga ito sa pagpapatibay ng ating kolektibong pakiramdam ng seguridad. Bawat opisyal na ipinakalat, bawat patrolyang isinagawa, at bawat operasyong ipinatupad ay sumasalamin sa aming walang maliw na pangako sa mga mamamayang aming pinaglilingkuran),” ani Aberin.

Ayon kay Aberin, ang estratehiyang ito ay hindi lamang basta pagpapatrolya kundi isa ring katiyakan na ang mga pulis ay nasa tamang posisyon upang pigilan ang anumang insidente bago pa ito mangyari.

Kasabay nito, pinaigting din ng NCRPO ang pakikipagtulungan sa iba pang mga ahensya ng gobyerno. Sinabi ni Aberin na ang “Enhanced Managing Police Operations” ay nagbibigay-daan para sa mas tumpak na paggamit ng mga resources, na nagsisiguro na ang mga opisyal ay handang tumugon sa anumang sitwasyon sa real-time.| PIA-NCR

- Advertisement -spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

More articles

Every graduation has its rituals. Mothers adjust collars with nervous hands. Fathers clear their throats more than usual. Students grin for photos while quietly...
CAGAYAN DE ORO CITY — Misamis Occidental emerged as the undisputed powerhouse of Northern Mindanao sports on Tuesday, March 24, officially clinching the overall...
MAKATI CITY — Against the backdrop of a PHP 2.94-T infrastructure pipeline, top leaders from the public and private sectors are set to convene...
- Advertisement -spot_img

Latest article

- Advertisement -spot_img