25.4 C
Batangas

4 katao kabilang ang isang buntis, nalibing nang buhay sa landslide

Must read

AGONCILLO, Batangas — MALUNGKOT na pangyayari ang bumungad sa Lokal na Pamahalaan at sa mga residente ng Barangay Subic Ilaya sapagkat apat na residente rito ang di inaasahang binawian ng buhay matapos ang insidente ng landslide sa Sitio Manalao, Subic Ilaya.

Na-recover ang mga biktima ngayong umaga kabilang ang isang buntis.

Nagtulung-tulong ang mga tauhan ng MDRRMO, Kaplan, mga bumbero, MHO, at MSWDO upang mabigyan ang pamilya ng tulong na kanilang kinakailangan.

Ang mga biktima ay miyembro ng Pamilya Rimas, kabilang ang isang 6-buwan buntis na may edad na 28, at tatlong menor de edad na may edad na 9, 13 at 15.

Patuloy ang pagpapalikas ng lokal na pamahalaan sa iba pang mga residenteng naroon pa sa nasabing lugar.

Patuloy rin ang pag-papaalaala ng pag-iingat ng lahat. | –Mula sa ulat ng PIO Agoncillo

- Advertisement -spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

More articles

MORE than ₱813 billion in government funds earmarked for priority programs remained unused by 2024, exposing deep weaknesses in oversight, legal frameworks, and budget...
The Christmas season is magical, but let’s be real, it can also feel overwhelming with the office parties, family reunions, and endless gift shopping. That’s...
MANILA, Philippines — Manila Electric Company (Meralco) has formally kicked off the competitive bidding process for 200 megawatts (MW) of baseload renewable energy, marking...
- Advertisement -spot_img

Latest article

- Advertisement -spot_img