26 C
Batangas

40 magsasaging mula sa bayan ng Rizal, tinungo ng DA-4A upang sanayin sa produksyon

Must read

Tinungo ng Department of Agriculture IV-CALABARZON (DA-4A) High Value Crops Development Program (HVCDP) ang mahigit 40 magsasaging mula sa isa sa mga malalayong lugar sa probinsya ng Rizal, ang bayan ng Rodriguez, Hunyo 11.

Ito ay upang sanayin sila ukol sa mga Package of Technology (POT) sa produksyon at pamamahala ng mga sakit ng saging. Tinutukan dito ang napapanahong paglaganap ng sakit na Bugtok na nabubuhay at dumadami sa lupa dala ng mga insekto sa bulaklak.

Ang bayan ng Rodriguez ay kabilang sa mga nangungunang bayan sa Rizal na may maraming prodyus ng saging kaya bagamat wala pa naman sa lugar ang Bugtok ay sinisiguro na rin ng Kagawaran ang paghahanda ng mga magsasaka laban dito.

Ayon kay Rodriguez Municipal Agriculturist Dr. Isagani Serrano, sa dami na ng pinagdaanan ng mga magsasaging sa Rodriguez simula pa noong panahon ng El Niño at bagyo, hindi nawala ang tulong ng gobyerno.

Malaki ang pasasalamat ng lokal na pamahalaan na gaano man kalayo, palaging handang pumunta at bumaba ang Kagawaran sa kanilang bayan para magturo at ibahagi ang mga kaalamang mas magpapaunlad pa sa kabuhayan ng mga magsasaka.| – Danica T. Daluz

- Advertisement -spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

More articles

BATANGAS CITY — Batangas State University, The National Engineering University (BatStateU The NEU), officially opened the 7th International Research Conference on Innovations in Engineering,...
PARIS, France — FORMER French president Nicolas Sarkozy on Tuesday became the first ex-head of state from a European Union country to be jailed,...
The Bud Dajo massacre in Jolo was carried out under the command of General Leonard Wood, the same figure who clashed with the Filipino...
- Advertisement -spot_img

Latest article

- Advertisement -spot_img