24.8 C
Batangas

2 bata, kumpirmadong patay sa landslide; 1 iba pang babae, patuloy pang hinahanap

Must read

LIPA City — (UPDATED) KUMPIRMADO na ang pagkamatay ng dalawang bata matapos matagpuan ang katawan ng mga ito sa mga gumuhong kabahayan sa pananalasa ng bagyong Kristine nitong Huwebes, Oktubre 24, sa Sitio Tagbakin, Brgy. Halang, lungsod na ito.

Unang nakita, Biyernes ng umaga, ang katawan ng isang 9-buwang gulang na batang babae.

Bandang ala-1:10 naman ng hapon, nakita na rin ang katawan ng isang 9-taong gulang na batang lalaki na isa ring person with disability (PWD).

Labis ang paghihinagpis ng mga kaanak ng mga batang biktima dahil sa kalunos-lunos na sinapit ng mga ito.

Kasunod nito’y isasagawa na ang post-mortem examination sa labi ng mga biktima.

Samantala, ayon kay Lipa City Disaster and Risk Reducation Management Officer Leo Tejada, patuloy pa rin ang search and retrieval operation sa isa namang 25-anyos na babae na di pa matukoy kung saan ito naanod o natabunan ng magkalong putik at bato mula sa gumuhong bahagi sa naturang lugar.| – Ghadz Rodelas

- Advertisement -spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

More articles

MORE than ₱813 billion in government funds earmarked for priority programs remained unused by 2024, exposing deep weaknesses in oversight, legal frameworks, and budget...
The Christmas season is magical, but let’s be real, it can also feel overwhelming with the office parties, family reunions, and endless gift shopping. That’s...
MANILA, Philippines — Manila Electric Company (Meralco) has formally kicked off the competitive bidding process for 200 megawatts (MW) of baseload renewable energy, marking...
- Advertisement -spot_img

Latest article

- Advertisement -spot_img