24.8 C
Batangas

Bulkang Taal, muling nagtala ng panibagong phreatic eruption, Nob. 6

Must read

MULING nagkaroon ng phreatic eruption ang Bulkang Taal, ganap na alas 9:29 kaninang umaga na tumagal hanggang alas 10;33 ng umaga, Nobyembre 6.

Sa videong kuha ng Talisay Municipal Disaster and Risk Reduction Management Office (Talisay MDRRMO), kapansin-pansin ang pagbuga ng makapal na usok mula sa bulkan.

Mula sa naitalang 700 metrong taas ng katamtamang pagsingaw kahapon, mas malaking bulto ng usok at ibinuga ng bulkan kanina na napadpad sa timog-kanluran.

Bagaman at nananatiling nasa Alert Level 1 ang Bulkang Taal, ipinaaalaala ng mga otoridad na maaari pa ring maganap ang mga sumusunod:

  • biglaang pagputok ng steam o phreatic explosions
  • volcanic earthquakes
  • manipis na ashfall
  • at ang pag-ipon o pagbuga ng mga nakalalasong gas

Dahil dito, patuloy ang paalala sa publiko na nananatili pa ring ipinagbabawal ang

  • Pagpasok sa Taal Volcano Island o TVI, lalo na sa Main Crater at Daang Kastila fissures, at pamamalagi sa lawa ng Taal
  • At Paglipad ng anumang aircraft malapit sa tuktok ng bulkan.|

via Joenald Medina Rayos

- Advertisement -spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

More articles

MORE than ₱813 billion in government funds earmarked for priority programs remained unused by 2024, exposing deep weaknesses in oversight, legal frameworks, and budget...
The Christmas season is magical, but let’s be real, it can also feel overwhelming with the office parties, family reunions, and endless gift shopping. That’s...
MANILA, Philippines — Manila Electric Company (Meralco) has formally kicked off the competitive bidding process for 200 megawatts (MW) of baseload renewable energy, marking...
- Advertisement -spot_img

Latest article

- Advertisement -spot_img