27.8 C
Batangas

Ika-10 nakapugang PDL, nahuli na rin sa bayan ng Bauan

Must read

BATANGAS – KUMPLETO na ang mga nakapugang persons deprived of liberty (PDLs) sa Batangas Provincial Rehabilitation and Detention Facility sa Brgy. Malainin, Ibaan, Batangas matapos madakip na muli silang sa tuluy-tuloy na hot pursuit operation ng kapulisan ng probinsya.

Pinakahuling nadakip sa kanila si Gerald Moreno Herrera, 27 anyos, ng mga tauhan ng Bauan Municipal Police Station sa Brgy. Manghinao Proper, Bauan, Batangas, ganap na alas-10:00 ng kaninang umaga, Hulyo 29, ayon kay PLtCol Aleli Buaquen, tagapagsalita ng Batangas Provincial Police Office (BPPO).

Sa ipinadalang ulat ng BPPO, nagtulung-tulong ang mga tauhan ng Bauan MPS, IBaan MPS at PRO4A-Regional Intelligence Division at ang Provincial Intelligence Unit – Batangas upang tugisin ang mga nakapugang preso kahapon.

Gamit ang drone, walang tigil na ginalugad ng mga alagad ng batas ang posibleng dinaanan ng nakapugang preso, maging sa kaniyang tirahan, at nagresulta ito sa agarang pagkadakip sa lahat ng akusado.|

- Advertisement -spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

More articles

MORE than ₱813 billion in government funds earmarked for priority programs remained unused by 2024, exposing deep weaknesses in oversight, legal frameworks, and budget...
The Christmas season is magical, but let’s be real, it can also feel overwhelming with the office parties, family reunions, and endless gift shopping. That’s...
MANILA, Philippines — Manila Electric Company (Meralco) has formally kicked off the competitive bidding process for 200 megawatts (MW) of baseload renewable energy, marking...
- Advertisement -spot_img

Latest article

- Advertisement -spot_img