28.2 C
Batangas

Fronda: “Pagkamatay ng preso, di tiyak na dahil sa CoVid-19”

Must read

By JOENALD MEDINA RAYOS

BALAYAN, Batangas – WALA pa ring katiyakan kung ang bagsik ng pandemyang corona virus disease (CoVid-19) ang tunay na naging sanhi ng pagkamatay kamakailan ng isang inmate sa Balayan Municipal Jail, ayon sa lokal na otoridad dito.

Sa kaniyang Ulat sa Bayan, inilarawan ni Mayor Emanuel Fronda, Jr. [Mayor JR] kung paanong naiulat na kasama sa mga naitalang kumpirmadong kaso ng CoVid-19 sa Balayan ang pagkamatay ng nasabing person deprived of liberty (PDL).    

“Siya po ay dinala sa hospital at dineklara ng Don Manuel Lopez District Hospital na dead on arrival. At syempre po ang protocol po ng ating mga hospital ay patingnan kung ito ba ay may record o symptoms ng CoVid-19 kaya po minabuti rin po ng ospital na ito po ay i-swab; at noon pong June 13, na-confirmed po natin na ito pong taong ito ay nag-positive sa covid,” pahayag pa ng alkalde.

Ngunit  binigyang-diin ni Fronda na hindi namaan kagad conclusive na sa corona virus disease 2019 namatay ang pasyente.

Aniya pa, “Pero hindi po ibig sabihin na nakalagay ay positive ng covid, ay ito’y ang ikinamatay ay covid. Gayunpaman, sa kabatiran po ng lahat, lagi po tayong maging maingat, lalot higit po ang mga may closed-contact sa taong ito.”

Ayon sa Balayan Municipal Health Office, Hunyo 8, Lunes,  nang sinasabing isinugod at ideklara ng dead on arrival sa nasabing ospital ang pasyente. Matapos makunan ng swab samples ay nairelease din ang bangkay nito at naiburol pa sa barangay Santol kung saan nakatira ang pamilya niya, bago tuluyang inilibing.

Hindi naman makapaniwala ang mga kaanak ng nasawing PDL na ang pagpositibo sa CoVid-19 ang naging sanhi ng pagkamatay nito sapagkat kinakitaan umano ng mga pasa sa likod, dibdib at iba pang bahagi ng katawan.

Nananawagan ang pamilya ng nasawi para sa isang patas na imbestigasyon ukol sa naturang insidente.

Samantala, 16 sa mga suspected cases sa Balayan ang na-swab at lumabas na pawang negative, bagaman at meron pang hinihintay na resulta para sa 29 na swab samples.| – BALIKAS News Network

- Advertisement -spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

More articles

Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson has revealed that former Public Works Secretary Manuel Bonoan received handwritten “memos” from civilians or non-DPWH personnel...
BATANGAS CITY — Batangas State University, The National Engineering University (BatStateU The NEU), officially opened the 7th International Research Conference on Innovations in Engineering,...
PARIS, France — FORMER French president Nicolas Sarkozy on Tuesday became the first ex-head of state from a European Union country to be jailed,...
- Advertisement -spot_img

Latest article

- Advertisement -spot_img