28.6 C
Batangas

Evacuation Center sa Bauan, gagawin ng District Hospital

Must read

- Advertisement -

By JOENALD MEDINA RAYOS

BAUAN, Batangas – NAKAPASA na sa ikatlo at huling pagbasa ng Sangguniang Panlalawigan ang ordinansang sasaklaw at gagabay sa kumbersyon ng isang evacuation center sa Barangay Aplaya sa bayang ito para maging isang district hospital.

Sa isang regular na sesyon ng Sangguniang Panlalawigan kamakailan, tuwirang kinatigan ng lahat ng dumalo sa naturang pulong ang Ordinansa na magbibigay-daan sa Provincial Engineering Officer (PEO) para masimulang iproseso ang mga kinakailangang plano at disensyo para ma-upgrade ang pasilidad at maiakma ito sa isang provincial health care facility.

Magbibigay-daan din ito sa Provincial Health Office na maihanda ang mga kinakailangang dokumento para sa buggeting requirements para sa mga ilalagay na equipments at manpower para mapatakbo ito bilang isang maayos na health care facility na magsisilbi ring district hospital ng ikalwang distrito ng lalawigan.

Sa eksklusibong panayam ng BALIKAS News, sinabi ni Board Member Arlina B. Magboo na ngayong kasagsagan ng pandemya sa buong mundo, mas nakita ng pamahalaang panlalawigan ang mas mataas na pangangailangan para sa dagdag na pasilidad para makatugon sa mga pangangailangang medikal ng mga mamamayang Batangueño.

Aniya pa, ang kumbersyon ng sinimulang evacuation center para maging Bauan Provincial Healthcare Facility ay titiyak na mas maraming serbisyo publiko ang maibibigay ng lalawigan hindi lamang sa mga nagiging bitima ng mga kalamidad kundi ng serbisyong pangkalusugan, hindi lamang sa mga mamamayan ng Bauan kundi maging sa iba pang bayan sa distrito gaya ng San Pascual, San Luis, Mabini at Tingloy.


Sa pagsisimula ng operasyon ng healthcare facility, maglalaan ang pamahalaang panlalawigan ng P10,500,000.00 para panimulang pondo para sa mga kakailanganing equipments, personnel services at maintenance and other operating expenses (MOOE), samantalang isasama naman ang paglalaan ng taunang budget para rito sa mga susunod na General Fund Annual Budget ng probinsya.| – BNN   

- Advertisement -
- Advertisement -spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

More articles

Climate change is a big, scary concept. So how do you explain it to a kid? Over the weekend, Nickel Asia Corporation (NAC) and The...
First Philippine Industrial Park (FPIP) was hailed as a key contributor to the continued progress of Sto. Tomas City by Mayor Arth Jhun “AJAM”...
MPower, the retail electricity supply arm of the Manila Electric Company (Meralco), has officially renewed its strategic partnership with Okada Manila—one of the country’s...
- Advertisement -spot_img

Latest article

- Advertisement -