26.2 C
Batangas

Malawakang pagtatanim ng bakawan, idinaos sa Nasugbu

Must read

By JOENALD MEDINA RAYOS

NASUGBU, Batangas — HINDI hadlang ang umiiral na pandemya hatid ng corona virus disease 2019 (CoVid-19) para magtuluy-tuloy ang National Greening Program ng (NGP) ng pamahalaan at ang aktibong pakikiisa ng pribadong sektor para ito’y magtagumpay.

Ito ang pinatunayan ng mga volunteers mula sa pampubliko at pribado sektor na nakiisa sa isang malawakang pagtatanim ng bakawan sa bayang ito kamakailan.

Pinangunahan ng mismo ni DENR CALABARZON Regional Executive Director Nonito M. Tamayo at ng mga kawani ng CENRO Calaca at local government unit (LGU) ng Brgy. Onse, Nasugbu, Batangas mula sa pampublikong sektor, samantalang aktibo ring nakipagtuwang ang mga kawani ng kumpanyang ZAMA Precision Industry Manufacturing Philip-pines Inc. mula sa pribadong sektor.

Ilan pa sa mga kalahok sa nasabing aktibidad ay ang OIC- CENRO Calaca, Isagani Amatorio; Mayor ng Nasugbu, Antonio Barcelon; MENRO Nasugbu Francisco Amuyo, Kapitan ng Brgy Onse, Yolanda Macapagal; at Ronald Wienholts na bise-presidente ng ZAMA.

Ang aktibidad na ito ay kasama sa kasunduang ginanap noong ika-5 ng Pebrero sa pagitan ng DENR at ng ZAMA sa ilalim ng programang National Greening Program at platapormang “Tayo ang Kalikasan” kung saan ang nasabing kumpanya ay naglalayong mataniman ang limang (5) ektaryang graduated mangrove NGP site sa Nasugbu.

Nasa 2,500 na punla ng Bakawan lalake (Rhizophora apiculata), Bakawan Babae (Rhizophora mucronata) at Bakawan bato (Rhizophora stylosa) ang naitanim sa nasabing aktibidad.

Ang DENR ay patuloy na nanghihikayat sa iba’t ibang mga grupo at indibidwal na makiisa sa pagprotekta at pangangalaga ng kalikasan sa pamamagitan ng pakikipag-ugnayan at paglahok sa mga aktibidad pangkalikasan.

Bukod sa malaking tulong ito sa pagpapanumbalik ng balanseng kalikasan, malaki ring tulong ito sa industriya ng eko-turismo.

May mga mangrove forests sites sa mga bayan ng San Juan, Lobo, Calatagan, at Lungsod ng Batangas.|-BNN

- Advertisement -spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

More articles

Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson has revealed that former Public Works Secretary Manuel Bonoan received handwritten “memos” from civilians or non-DPWH personnel...
BATANGAS CITY — Batangas State University, The National Engineering University (BatStateU The NEU), officially opened the 7th International Research Conference on Innovations in Engineering,...
PARIS, France — FORMER French president Nicolas Sarkozy on Tuesday became the first ex-head of state from a European Union country to be jailed,...
- Advertisement -spot_img

Latest article

- Advertisement -spot_img