27.8 C
Batangas

22,366 bagong kaso ng CoVid-19, naitala ng DOH

Must read

RECORD high na muli ang mga naitalang kaso ng CoVid-19 ngayong araw, ayon sa Department of Health (DOH). Hanggang kaninang alas-4:00 ng hapon ng Lunes, Agosto 30, 2021, pumalo na sa 22,366 ang mga naitalang karagdagang kaso. Umabot naman sa 16,864 ang mga gumaling at 222 ang pumanaw.

Sa kabuuang bilang ng mga naitalang kaso sa bansa, 7.5% (148,594) ang aktibong kaso, 90.8% (1,794,278) na ang gumaling, at 1.69% (33,330) ang namatay.

Ayon sa pinakahuling ulat, lahat ng mga laboratoryo ay operational noong August 28, 2021 habang mayroong 2 laboratoryo na hindi nakapagsumite ng datos sa CoVid-19 Document Repository System (CDRS). Base sa datos sa nakaraang 14 na araw, ang kontribusyon ng 2 labs na ito ay humigit kumulang 0.1% sa lahat ng samples na naitest at 0.1% sa lahat ng positibong mga indibidwal.

Sa mga susunod na araw ay maari pang tumaas ang mga kaso ng CoVid-19 sa bansa. Kaya patuloy ang panawagan ng otoridad na tiyakin ang pagsunod sa minimum public health standards.

Ang maiging pagsasagawa ng PDITR strategies, at pagbabakuna ay nanatiling pinakapabisang depensa sa CoVid-19. Mahalaga rin na tayo ay mag-isolate at makipagugnayan sa BHERTs kung tayo ay may sintomas ng CoVid-19. Ang maagang konsultasyon at pagpapatest ay makatutulong upang maputol ang hawaan sa mga bahay, komunidad, at sa mga lugar na pinagtatrabahuhan.|

- Advertisement -spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

More articles

MORE than ₱813 billion in government funds earmarked for priority programs remained unused by 2024, exposing deep weaknesses in oversight, legal frameworks, and budget...
The Christmas season is magical, but let’s be real, it can also feel overwhelming with the office parties, family reunions, and endless gift shopping. That’s...
MANILA, Philippines — Manila Electric Company (Meralco) has formally kicked off the competitive bidding process for 200 megawatts (MW) of baseload renewable energy, marking...
- Advertisement -spot_img

Latest article

- Advertisement -spot_img