25.4 C
Batangas

Liquor Ban sa Ibaan, mahigpit na ipinatutupad hanggang Set. 30

Must read

IBAAN, Batangas – Mahigpit na ipagbabawal ng lokal na pamahalaan dito ang pag-inom ng alak sa mga pampublikong lugar na maaaring magdulot ng mass gathering simula Setyembre 16 hanggang Setyembre 30.

Ayon kay Mayor Joy Salvame, mag-iikot ang kapulisan at mga barangay tanod upang masigurong nasusunod ang naturang kautusan sa kanilang bayan.

Matatandaang nasa ilalim ng General Community Quarantine with Heightened Restrictions ang lalawigan ng Batangas, alinsunod sa kautusan ng Inter Agency Task Force bilang pag-iingat sa pagkalat ng COVID-19.

Kaugnay nito, nagsagawa na ng biglaang inspeksyon ang lokal na pamahalaan ng Ibaan sa mga establisyemento sa bawat barangay, Setyembre 16-17, 2021.

Ang nasabing inspeksyon ay pinangunahan ng Ibaan Pulis, Ibaan Bureau of Fire Protection (BFP), Public Information Office at Ibaan Business Permit and Licensing Section upang masiguro na sinusunod ng bawat establisimyento at barangay sa Ibaan ang direktiba ukol sa health protocols at liquor ban nang maiwasan ang mabilis na pagdami ng kaso ng COVID-19.

Ang mga nahuling lumabag ay binigyan ng paalala o warning at kung hindi talaga tumalima sa kautusan ay maaring maalisan ng bisa ang inisyung business permit ng Ibaan LGU, o mahirapang i-renew ito sa susunod na taon.

Ito ay seryosong paraan ng lokal na pamahalaan upang matiyak at mapabagal, kung hindi man mapababa, ang pagdami ng kaso ng COVID-19 sa bayan.| Detalye mula sa Ibaan PIO

- Advertisement -spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

More articles

MORE than ₱813 billion in government funds earmarked for priority programs remained unused by 2024, exposing deep weaknesses in oversight, legal frameworks, and budget...
The Christmas season is magical, but let’s be real, it can also feel overwhelming with the office parties, family reunions, and endless gift shopping. That’s...
MANILA, Philippines — Manila Electric Company (Meralco) has formally kicked off the competitive bidding process for 200 megawatts (MW) of baseload renewable energy, marking...
- Advertisement -spot_img

Latest article

- Advertisement -spot_img