28.1 C
Batangas

Babaeng huwes sa Batangas, pinarangalan muli sa panibagong antas na tinapos

Must read

- Advertisement -

TANAUAN City, Batangas — MULING kuminang ang kagalingan ng isang huwes sa Lalawigan ng Batangas matapos magtapos “with flying colors” sa isang graduate course nitong Martes, Nobyembre 15.

Tinanggap ng kagalang-galang na hukom, Charito Macalintal-Sawali, ang karangalan bilang Salutatorian sa kaniyang pagtatapos ng Master in Public Safety Administration sa Philippine Public Safety College (PPSC).

Bukod dito, bilang Class President, siya rin ang ginawaran ng General Teresa Magbanua Leadership Excellence Award; at tinanggap rin ang karangalang Dr. Jose Rizal Academic Excellence Award bilang Salutatorian; at Best in Policy Paper Award bilang gold medalist sa kaniyang “Revisiting SUpreme Court Decisions and Resolutions on Plea Bargaining in Drug Cases Towards Adopting Uniform Guidelines in Resolving Motions for Plea Bargaining”.

Si Judge Sawali ang Executive Judge ng Regional Trial Court sa Tanauan City, Batangas at siya ring Presiding Judge ng RTC-Branch 66 sa naturang lungsod. Siya rin ay pairing judge sa Regional Trial Court Branch 4 sa Batangas City.

Ilang taon na ang nakalipas, tinapos ni Judge Sawali ang pagiging doktor ng batas at tinanggap ang karangalan bilang Salutatorian nang magtapos siya ng Doctor of Civil Law sa University of Sto. Tomas Faculty of Civil Law, ang kaisa-isahang Pontifical University sa Asya at Pasipiko.

Lubos namang ikinagalak ng buong legal community sa Batangas ang bagong karangalang tinanggap ni Judge Sawali, partikular ng University of Batangas College of Law, kung saan siya nagtapos ng pagiging Juris Doctor noong taong 2003 at ngayon ay isa ring propesor sa naturang law school.

Taglay pa rin ang kaniyang sipag at dedikasyon bilang isang asawa at ina, patuloy siyang nagiging inspirasyon ng maraming kababaihang naglilingkod sa bayan bilang isang alagad ng batas.|BNN News Team

- Advertisement -
- Advertisement -spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

More articles

Climate change is a big, scary concept. So how do you explain it to a kid? Over the weekend, Nickel Asia Corporation (NAC) and The...
First Philippine Industrial Park (FPIP) was hailed as a key contributor to the continued progress of Sto. Tomas City by Mayor Arth Jhun “AJAM”...
MPower, the retail electricity supply arm of the Manila Electric Company (Meralco), has officially renewed its strategic partnership with Okada Manila—one of the country’s...
- Advertisement -spot_img

Latest article

- Advertisement -