28.9 C
Batangas

Patay na balyena, napadpad sa baybay-dagat ng Infanta

Must read

- Advertisement -

INFANTA, Quezon — Isa na namang bangkay ng sperm whale o balyena na malapit nang maagnas at itinutulak ng mga alon ang natagpuang ng mga taga Dinahican, sa bayang ito nitong nakalipas na Linggo, Abril 14.

Agad namang nireport ng mga taga-Dinahican sa kinauukulan ang napadpad na balyena sa kanilang baybay dagat ba agad namang tinugunan ng lokal na pamahalaan ng Infanta sa pangunguna ng Municipal Agricultural Office (MAO), Municipal Environmental and Natural Resources Office (MENRO), DENR CENRO-Real at ng Coast Guard Sub-Station (CGSS) ng Infanta.

Ayon kay CGS ENS Neptali L. Rafuli Jr. ng Philippine Coast Guard kaagad ding inilibing sa baybay dagat ng Dinahican ang nasabing labi ng patay na balyena kung saan kinailangan nilang gumamit ng mga heavy equipment o back hoe dahil sa laki ng nasabing balyena.

Kinailangan pa rin nilang dalahin sa mataas na bahagi ng baybay dagat ang bangkay ng balyena at ilibing sa layong humigit kumulang 80 meters away mula sa pampang o shoreline.

Kung anuman ang dahilan ng mga pagkamatay at stranding ng nga pawikan kung ito man ay dahil sa natural na dahilan,  climate changes man o gawa ng tao. 

Nakakapagalala ito dahil malimit na, na may na-i-stranded lagi sa ating mga shorelines na mga patay o agaw buhay na balyena, butanding, dolphins at pawikan na kailangang mas malalim na maimbestigahan ng nga eksperto at kinauukulan tulad ng BFAR dahil sakop ito ng mandato ng batas sa kanilang tanggapan, at DENR sa pawikan.| – Jay Lim

- Advertisement -
- Advertisement -spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

More articles

Climate change is a big, scary concept. So how do you explain it to a kid? Over the weekend, Nickel Asia Corporation (NAC) and The...
First Philippine Industrial Park (FPIP) was hailed as a key contributor to the continued progress of Sto. Tomas City by Mayor Arth Jhun “AJAM”...
MPower, the retail electricity supply arm of the Manila Electric Company (Meralco), has officially renewed its strategic partnership with Okada Manila—one of the country’s...
- Advertisement -spot_img

Latest article

- Advertisement -