25.4 C
Batangas

Bagong palengke ng Padre Garcia, 2 tulay, pinasinayaan na

Must read

By Joenald Medina Rayos

PORMAL nang binasbasan at pinasinayaan ang Phase I ng pamilihang bayan ng Padre Garcia, kaalinsabay rin ng katulad na pagpapasinaya sa dalawang tulay rito – ang Castillo-Bukal Bridge at ang Poblacion-Banaba Bridge, Mayo 18.

Magkatuwang na pinangunahan nina Mayor Celsa B. Rivera, katulong ang dating Punongbayan at Kinatawan ng 1-Care Partylist, Kgg. Michael Angelo C. Rivera ang pagpapasinaya na sinimulan sa pamamagitan ng Banal na Misa na pinangunahan ni Rev. Fr. Restituto Rosales, OSJ, Kura Paroko ng Most Holy Rosary Parish.

Naging pangunahing panauhin at tagapagsalita si Congresswoman Lianda B. Bolilia ng Ikaapat na Distrito ng Batangas na siyang nagkaloob ng pondo para sa ilang pagawain sa bayan ng Padre Garcia.

Ipinagmalaki naman ni Cong. Rivera na patuloy ang pagbuhos ng pondo para sa mga proyektong pang imprastraktura sa kaniyang bayan kaya hindi malayong makamit nito ang ibayong debelopment at pag-unlad sa malapit na hinaharap.

Kilala sa taguring “Cattle Trading Capital of the Philippines” ang bayan ng Padre Garcia, at ayon kay Rivera, mahalagang maisaayos ng todo ang pamilihang bayan dito at magkaroon ng maayos na mapagtitindahan ang mga negosyanteng Garciano.

Ipinagmamalaki rin niyang maraming mga kasamahan at kakilalang mambabatas ang naniniwala sa kakayahan ng Padre Garcia na maging pangunahing bayan sa Batangas kaya hindi nagdadalawang-isip na maglagad ng pondo para sa mga proyektong pang-imprastraktura rito.

Samantala, masayang ibinalita namn ni Mayor Celsa Rivera ang patuloy na konstruksiyon ng bagong municipal hall na may limang palapag, ang patuloy na debelopment at pagtatayo ng community college, community hospital at dialysis center sa Barangay Castillo para sa mga mamamayang Garciano.|-BNN

  • Joenald Medina Rayos
- Advertisement -spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

More articles

MORE than ₱813 billion in government funds earmarked for priority programs remained unused by 2024, exposing deep weaknesses in oversight, legal frameworks, and budget...
The Christmas season is magical, but let’s be real, it can also feel overwhelming with the office parties, family reunions, and endless gift shopping. That’s...
MANILA, Philippines — Manila Electric Company (Meralco) has formally kicked off the competitive bidding process for 200 megawatts (MW) of baseload renewable energy, marking...
- Advertisement -spot_img

Latest article

- Advertisement -spot_img