25 C
Batangas

Bayan ng Agoncillo, isinailalim sa state of calamity

Must read

- Advertisement -

AGONCILLO, Batangas — ISINAILALIM sa state of calamity ang bayan ng Agoncillo sa Batangas dahil sa epekto ng habagat at bagyong Crising at Dante.

Ang deklarasyon ay inilabas sa bisa ng Resolution No. 007-07-2025 sa pangunguna ni Pangalawang Punumbayan Remjelljan Humarang kasama ang mga miyembro ng konseho bilang tugon sa matinding banta at epekto ng Bagyong Crising na mas pinalakas ng Habagat at TD Dante na nagdulot ng pinsala sa naturang bayan.

Ayon kay Mayor Cinderella Valenton-Reyes, patuloy ang pagtugon ng lokal na pamahalaan sa mga kababayan nilang lumilikas.

“Sa kasalukuyan may tatlong evacuation centers (EC) na may 41 pamilya at naghihintay pa sa pagbubukas ng isa pang evacuation center dahil patuloy ang pagdating ng mga taong lumilikas. Ang nasa in-house naman ay 170 pamilya hindi pa kasama ang mga lumikas papuntang San Luis,” ani Valenton-Reyes.

Ang mga ECs na ito ay makikita sa mga barangay ng Bilibinwang, Banyaga, Pansipit at Pook.

Sa panayam naman kay Josalyn Cortez, Municipal Social Welfare and Development Officer, sinabi nito na nagkaloob na ang pamahalaang lokal ng provision para sa pagkain ng mga evacuees mula umaga hanggang hapunan, isinasagawa din ang pagsusuri ng RHU sa mga indibidwal sa ECs lalo na sa mga bata, matatanda at iba pang vulnerable sectors.

“Bukod sa mga nabanggit na interventions, naghahanda na din ng mga food packs para naman sa mga in-house evacuees o yaong mga pansamantalang nakitira sa mga kamag-anak sa halip na pumunta sa mga ECs,” ani Cortez.

Aniya pa, patuloy ang kanilang pagtugon sa kailangan ng mga evacuees at hinihintay din nila ang anumang tulong na ipaaabot ng Pamahalaang Panlalawigan ng Batangas at mga pamahalaang nasyunal tulad ng Department of Social Welfare and Development (DSWD).

Kabilang sa mga barangay na nakaranas ng pagbaha ay ang mga sumusunod: Banyaga, Bilibinwang, Barigon at Panhulan.

Sa inisyal na report ay may naitala nang dalawang partially damaged house sa Agoncillo at patuloy ang pagkalap at gagawing validation sa iba pang mga naiulat na pagkasira ng kabahayan.|- Bhaby de Castro

- Advertisement -
- Advertisement -spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

More articles

Climate change is a big, scary concept. So how do you explain it to a kid? Over the weekend, Nickel Asia Corporation (NAC) and The...
First Philippine Industrial Park (FPIP) was hailed as a key contributor to the continued progress of Sto. Tomas City by Mayor Arth Jhun “AJAM”...
MPower, the retail electricity supply arm of the Manila Electric Company (Meralco), has officially renewed its strategic partnership with Okada Manila—one of the country’s...
- Advertisement -spot_img

Latest article

- Advertisement -