28.9 C
Batangas

Centenarians sa Batangas City, tumanggap ng cash incentive

Must read

- Advertisement -

LIMANG senior citizens mula sa iba’t ibang barangay sa lungsod ang nakatanggap ng halagang P 100,000.00 bawat isa bilang cash incentive mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) noong ika-3 ng Hunyo.

Sila ang mga umabot na sa 100 taong gulang na sina Regina Javier ng barangay Ilijan at Agripina Amul ng Banaba South gayundin ang mga 101 taong gulang na sina Epitacia Pintinio mula sa San Isidro at ang namayapang sina Antonia Montalbo ng barangay Calicanto at Selvino Aclan ng San Pedro.

Ang nasabing one-time cash incentive ay bilang pagkilala at pagpupugay sa mga inidibidwal na nakaabot ng 100 taong gulang at higit pa na itinatadhana ng Republic Act 10868 o ng CENTENARIAN ACT of 2016.

Ang naturang halaga ay iniabot ng mga tauhan ng DSWD Region 4-A kasama ang mga kawani ng City Social & Welfare Development Office (CSWDO). Nagbigay din ang pamahalaang lungsod ng P 20,000 sa mga naturang senior citizens at sa mga patuloy na nagdiriwang ng kanilang kaarawan na edad 100 at higit pa.

Lubos ang kasiyahan at pasasalamat ng pamilya ng mga centenarians sa ipinagkaloob na cash incentive.|-BNN/pio

- Advertisement -
- Advertisement -spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

More articles

Climate change is a big, scary concept. So how do you explain it to a kid? Over the weekend, Nickel Asia Corporation (NAC) and The...
First Philippine Industrial Park (FPIP) was hailed as a key contributor to the continued progress of Sto. Tomas City by Mayor Arth Jhun “AJAM”...
MPower, the retail electricity supply arm of the Manila Electric Company (Meralco), has officially renewed its strategic partnership with Okada Manila—one of the country’s...
- Advertisement -spot_img

Latest article

- Advertisement -