28.9 C
Batangas

CIA incentives at leave credits monetization ng capitol employees, aprub na ng SP

Must read

- Advertisement -

MAS magiging masaya na ang Pasko ng mga kawani ng Pamahalaang Panlalawigan sa pag-apruba ng Sangguniang Panlalawigan sa Supplemental Budget No. 4 ngayong araw, Nob. 21.

Sa mosyon ni Senior Board Member Ma. Claudette U. Ambida, tagapangulo ng Committee on Appropriation, pinagtibay ng Sangguniang Panlalawigan ang 2022 General Fund Supplemental Budget No. 4 na naglalaman ng Collective Negotiation Agreement (CNA) incentive ng unyon ng mga empleyado para sa taong 2022.

Makatatanggap ng naturang benepisyong pinansyal ang lahat ng kawani ng kapitolyo, maging sila man ay permanent, co-terminus o casual status.

Hiniling ni Senior Board Member Maria Claudette U. Ambida sa kapulungan na kagyat na aksyunan at mapagtibay hanggang sa ikatlo at Huling Pagbasa ang Supplemental Budget No. 4 at CIA incentive.|BALIKAS Photo by Jayson D. Aguilon

Samantala, kaalinsabay nito ay kagyat na inaksyunan ng Sangguniang Panlalawigan ang liham ni Gobernador Hermilando I Mandanas na maaprubahan ang monetization ng leave credits ng mga opisyal at empleyado na aabot sa P40-milyon.

Kukunin ang pondo para sa leave credits monetization sa personnel services savings para sa taong 2022.|-BNN / Joenald Medina Rayos

- Advertisement -
- Advertisement -spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

More articles

Climate change is a big, scary concept. So how do you explain it to a kid? Over the weekend, Nickel Asia Corporation (NAC) and The...
First Philippine Industrial Park (FPIP) was hailed as a key contributor to the continued progress of Sto. Tomas City by Mayor Arth Jhun “AJAM”...
MPower, the retail electricity supply arm of the Manila Electric Company (Meralco), has officially renewed its strategic partnership with Okada Manila—one of the country’s...
- Advertisement -spot_img

Latest article

- Advertisement -