28.1 C
Batangas

Cuenca Hospital, isasara ng 3 araw dahil sa CoVid-19

Must read

- Advertisement -

By JOENALD MEDINA RAYOS

CUENCA, Batangas – PANSAMANTALA munang isasara sa loob ng tatlong (3) araw ang Martin Marasigan District Hospital sa bayang ito dahil sa CoVid-19 pandemic.

Sa pamamagitan ng isang patalastas sa social media page ng ospital, inianunsyo na ang pansamantalang pagsasara ng ospital ay upang bigyang-daan ang isasagawang disinfection activity ng buong pasilidad matapos magpositibo sa corona virus disease 2019 (CoVid-19) ang isang empleyado rito.

“Ang nabanggit na empleyado ay hindi residente ng Cuenca,” dagdag pa sa anunsyo. Sa halos kasabay namang anunsyo ni Mayor Edilberto Ponggos ng katabing-bayan ng Alitagtag, sinabi nito na isang lalaking 21-anyos mula sa barangay Concordia sa nasabing bayan ang nag-positibo sa CoVid-19. Ang pang-5 confirmed case na ito ng Alitagtag ay isang frontliner sa isang pampublikong ospital.

Nito lamang nakaraang Linggo, Hunyo 14, inianunsyo rin ng Martin Marasigan District Hospital na isasara nito an gang Out-Patient Department matapos mag-positibo sa CoVid-19 ang dalawang pasyente na nagpakonsulta rito kung kaya’t kinailangang isailalam sa quarantine ang may 15 empleyado ng ospital na na-exposed sa nasabing mga pasyente.

Ngayong araw ng Miyerkules, muling binuksan ang OPD matapos matanggap ang resulta ng 15 tests na pawang nag-negatibo sa CoVid-19.

Kasunod nito ay hiniling na rin ng iba pang empleyado na isailalim sila sa RT-PCR test, at dito nga nakumpirma ang pagpositibo ng isang empleyado.

Muli namang magbubukas ang ospital matapos na maisagawa ang disinfection process.| – BALIKAS News Network

- Advertisement -
- Advertisement -spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

More articles

Climate change is a big, scary concept. So how do you explain it to a kid? Over the weekend, Nickel Asia Corporation (NAC) and The...
First Philippine Industrial Park (FPIP) was hailed as a key contributor to the continued progress of Sto. Tomas City by Mayor Arth Jhun “AJAM”...
MPower, the retail electricity supply arm of the Manila Electric Company (Meralco), has officially renewed its strategic partnership with Okada Manila—one of the country’s...
- Advertisement -spot_img

Latest article

- Advertisement -