27.9 C
Batangas

Mandanas, Leviste muling naihalal bilang gobernador at bise gobernador ng Batangas

Must read

SA kanilang muling pagtakbo bilang gobernador at bise gobernador, malinaw sa mga numerong lumabas sa Comelec Transparency Server na nakuha nina Gobernador Hermilando I. Mandanas at Bise Gobernador Jose Antonio Leviste ang mga bagong mandato para pamunuan ang pamahalaang panlalawigan ng Batangas.

Bandang ala-1:47 ng madaling-araw ng Martes, Mayo 10, o anim (6) na oras matapos magsara ang mga presinto, sa 98.11% ng kabuuang mga presinto sa Batangas, batay sa unofficial partial result, nakakuha si Mandanas ng 908,469 samantalang nakakuha naman ng 384,554 na boto si dating Padre Garcia Mayor Prudencio Gutierrez; 71,020 si dating Bise Gobernador Ricky Recto; at 15,081 naman si Praxedes Bustamante.

Sa pagkabise-gobernador naman, nakuha ni Leviste ang 990,208 na boto samantalang nakakuha lamang ng 296,657 boto si dating DSWD undersecretary Jose Anton Hernandez.

Ito ang ikalawang pagkakataon na maihalal si Mandanas sa tatlong (3) sunud-sunod na termino bilang pununglalawigan. At ito rin naman ang ikalwang termino ni Leviste na katambal ni Mandanas, kapwa sa ilalim ng partidong PDP-Laban.

Matapos mag-recess ang Provincial Board of Canvassers (PBOC) ganap na ika-7:00 ng gabi, Mayo 9, inaasahang maipoproklama na ang dalawang matataas na opisyal ng lalawigan sa muling pagtutuloy ng operasyon ng PBOC ganap na alas-nueve ng umaga mamaya, araw ng Martes.|-BNN

- Advertisement -spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

More articles

Senate President Pro Tempore Panfilo “Ping” Lacson has revealed that former Public Works Secretary Manuel Bonoan received handwritten “memos” from civilians or non-DPWH personnel...
BATANGAS CITY — Batangas State University, The National Engineering University (BatStateU The NEU), officially opened the 7th International Research Conference on Innovations in Engineering,...
PARIS, France — FORMER French president Nicolas Sarkozy on Tuesday became the first ex-head of state from a European Union country to be jailed,...
- Advertisement -spot_img

Latest article

- Advertisement -spot_img