25.9 C
Batangas

Mataasnakahoy LGU, nagsagawa ng Turnover Ceremony bilang pagsalubong sa mga bagong opisyal

Must read

Matagumpay na idinaos ng lokal na pamahalaan ng Mataasnakahoy ang Turn Over Ceremony, nitong Lunes, ika-30 ng hunyo sa Municipal Hall na dinaluhan ng mga outgoing at incoming officials, mga kawani ng lokal na pamahalaan at supporters ng bagong administrasyon.

Ito ay sinimulan sa pamamagitan ng Flag Raising Ceremony at sinundan ng programa bilang pasalamat ng MKBM sa kanilang 10-0 pagkapanalo sa nakalipas na halalan.

Bago ito, nagkaroon rin ng huling sesyon ang mga paalis ng opisyal kung saan nagkaroon sila ng pagkakataon na magpasalamat at magbahagi ng kanilang mensahe bago matapos ang kanilang termino na ginanap noong Hunyo, 23.

Sa isang panayam, sinabi ni dating Mayor. Janet M. Ilagan na siya ay lubos na nagpapasalamat sa mga mamamayang sumuporta sa kanila sa loob ng 3 taon ng panunungkulan. Aniya, “Sa aking mga kababayan ako’y lubos na nagpapasalamat sa tiwala at pagmamahal na ibinigay nila sakin na hindi naman namin makakamit ang tagumpay nato kung wala rin ang kanilang kooperasyon.”

Umaasa rin sya na ipagpapatuloy ng bagong administrasyon ang nasimulan nilang proyekto partikular na sa infrastructure.

Samantala, buong puso namang tinanggap ng mga bagong opisyal ang hamon ng pamumuno sa bayan. Ayon kay, Mayor Ellery Gardiola Silva, “Tinatanggap ko po ang responsibilidad at siguro naman po ay nakita niyo na hindi pa man kami pulitiko ay talaga namang 24 hours na kaming tumutulong sa ating bayan.”

Gayundin, ipinahayag ni Hon. Montano  “Ante” Dimaculangan, konsehal ng bayan, maasahan ng mga mamamayan ang tunay na serbisyong ‘di magkukulang.| – BNN Integrated News

- Advertisement -spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

More articles

BATANGAS CITY — Batangas State University, The National Engineering University (BatStateU The NEU), officially opened the 7th International Research Conference on Innovations in Engineering,...
PARIS, France — FORMER French president Nicolas Sarkozy on Tuesday became the first ex-head of state from a European Union country to be jailed,...
The Bud Dajo massacre in Jolo was carried out under the command of General Leonard Wood, the same figure who clashed with the Filipino...
- Advertisement -spot_img

Latest article

- Advertisement -spot_img