24.5 C
Batangas

Mayor Ona, lyamado pa rin sa Calaca; di matitinag ng anumang panliligalig

Must read

TIYAK na ang mandato ni Mayor Sofronio ‘Nas’ Ona Jr. para sa ikatlong termino bilang alkalde ng City of Calaca sa Unang Distrito ng Batangas.

Ito ay kung ang pagbabatayan ng pagtaya ay ang resulta ng Calaca City Mayoral Preference Survey para sa 2025 Elections ng Pulse Asia Research, Inc.

Ayon sa magkahiwalay na survey noong Enero 2025 at Abril 2025, napanatili ni Mayor Ona ang napakalaking agwat nila ng katunggaling si Renante Macalindong.

Sa unang survey noong Enero 2025, ang mga respondents ay tinanong ng: “Kung ang eleksyon sa Mayo 2025 ay isasagawa ngayon, at ang mga kandidato ay sina 1. Reynante Macalindong at 2. Nas Ona, sino sa kanila ang inyong iboboto?”

Sa survey na ito, 87% ang bumoto kay Ona, samantalang 11% naman kay Macalindong, habang may natitira pang 2% na hindi sumagot.

Sa ikalawang survey naman noong Abril 2025, ang mga respondents ay tinanong ng: “Kung ang eleksyon sa Mayo 2025, sino ang inyong iboboto gamit ang sample ballot na ito (ipapakita ang sample ballot kung saan nakasulat ang pangalan ng pagpipilian.)

Sa pagkakataong ito, nakuha ni Mayor Nas ang kabuuang 84% samantalang, 12% naman si Macalindong.

Nitong nakalipas na linggo, inihayag ni Mayor Ona na gaya rin sa mga nakalipas na halalan ay abala umano ang kaniyang katunggali sa pagsasampa ng kung anu-anong kaso laban sa kaniya, ngunit binigyang-diin ni Mayor Nas na hindi siya magpapadala sa anumang uri ng paninira at panliligalig sa kaniyang kampanya.| – BALIKAS News 

- Advertisement -spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

More articles

MORE than ₱813 billion in government funds earmarked for priority programs remained unused by 2024, exposing deep weaknesses in oversight, legal frameworks, and budget...
The Christmas season is magical, but let’s be real, it can also feel overwhelming with the office parties, family reunions, and endless gift shopping. That’s...
MANILA, Philippines — Manila Electric Company (Meralco) has formally kicked off the competitive bidding process for 200 megawatts (MW) of baseload renewable energy, marking...
- Advertisement -spot_img

Latest article

- Advertisement -spot_img