25.4 C
Batangas

Pagdiriwang ng ika-160 kaarawan ni Gat Apolinario Mabini, pinangunahan ni Pangulong Marcos Jr.

Must read

PINANGUNAHAN ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. Ang pagdiriwang ng ika-160 anibersaryo ng kapanganakan ni Gat Apolinario Mabini sa Mabini Shrine Brgy. Talaga, Tanauan City Batangas. 

Bilang pagpupugay ay nag-alay  ng bulaklak ang Pangulo upang kilalanin ang natatanging kontribusyon ni Mabini bilang siyang “Utak ng Himagsikan”laban sa pananakop ng mga Kastila at ng mga Amerikano tungo sa kalayaan ng  bansa. 

Pahayag ni Marcos Jr.,”Si Mabini ay nagmulat na ang  bawat isang Pilipino ay may kakayahang gumawa ng pagbabago at tumahak ng sariling landas tungo sa tagumpay sa kabila ng iniindang kalagayan o anumang mga pagsubok.” 

Ayon naman sa apo sa pamangkin ni Apolinario Mabini na si Pilagia Mabini, 76 na taong gulang, “Ipinagmamalaki ko na kamag-anak ko siya. Kilala ang mga Mabini sa pagiging tahimik at conservative. Gusto kong maalala ng mga kabataan si Apolinario Mabini bilang dedicated siya sa trabaho sa bayan natin.” 

Kaalinsabay ng pag-alaala sa kaarawan ni Mabini ang National Disability Rights Week na may temang, Promoting Inclusion: Celebrating Abilities and Advocating Access. Bahagi nito ang kahalagahan ng inclusivity at accessibility para sa mga persons with disability (PWDs) sa bansa. 

Samantala dumalo rin sa nasabing aktibidad ang mga alkalde ng iba’t-ibang bayan at lungsod sa Batangas at si Vice Gov. Mark Leviste na nakiisa sa seremonya sa mayamang kasaysayan ng kadakilaan ng bayaning kababayan.| – Ghadz Q. Rodelas

- Advertisement -spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

More articles

BATANGAS CITY — Batangas State University, The National Engineering University (BatStateU The NEU), officially opened the 7th International Research Conference on Innovations in Engineering,...
PARIS, France — FORMER French president Nicolas Sarkozy on Tuesday became the first ex-head of state from a European Union country to be jailed,...
The Bud Dajo massacre in Jolo was carried out under the command of General Leonard Wood, the same figure who clashed with the Filipino...
- Advertisement -spot_img

Latest article

- Advertisement -spot_img