24 C
Batangas

Suspek sa pagpaslang sa brodkaster na si Percy Lapid, nagbaril sa sarili

Must read

LIPA City – TINULDUKAN na ng isa sa mga suspek sa pagpaslang sa brodkaster na si Percy Lapid ang pagkakadawit sa kaniya sa mga imbestigasyong may kaugnayan sa pagkamatay ng naturang mamamahayag.

Ito’y matapos magbaril sa sarili ang naturang suspek sa halip na sumuko sa mga otoridad kasunod ng ilang oras na hostage taking sa Purok 4, Barangay Lumbang sa lungsod na ito, nitong Linggo ng madaling-araw, Agosto 11.

Sa isang panayam, kinumpirma ni National Capital Region Police Office chief Maj. Gen. Jose Melencio Nartatez Jr. ang pagbabaril sa sarili ni Jake Mendoza, alyas Orly, 40 anyos, at residente ng bayan ng Baco, Lalawigan ng Oriental Mindoro.

Bago ang naturang pagbaril sa sarili ay hinostage muna ni Mendoza ang kaniyang live-in partner at ang kanilang anak sa isang bahay na tinutuluyan sa naturang barangay.

“Hindi sya sumuko. Nakipag-negotiate tayo hanggang umabot ng alas kwatro ng madaling araw (He didn’t surrender. We negotiated until four in the morning),” pahayag pa ni Major General Nartatez. 

Isa umanong kamag-anak ni Mendoza ang nakipag-usap sa kaniya, pati na ang isang negosyador. Ngunit di kalaunan, pumasok umano sa isang palikuran ang suspek, saka nagbaril sa sarili sa harap ng police negotiator at ng pinsan niya.

Matatandaang noong Mayo ng taong kasakukuyan, hinatulan ng 16 na taong pagkakabilanggo ng Las Piñas City Regional Trial Court si Joel Escorial, ang self-confessed gunman ni Lapid.

Si Percy Lapid, o Percy Carag Mabasa, ay binaril at napatay habang nagmamaneho pauwi sa kaniyang tahanan sa Lungsod ng Las Piñas, Metro Manila, bandang alas-8:30 ng umaga noong Oktubre 3, 2022.| – Joenald Medina Rayos

- Advertisement -spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

More articles

On Thursday, March 19, the Philippine National Police (PNP) celebrated the expanding influence of its female members, noting that they are "increasingly shaping the...
MARIVELES, Bataan — During a press briefing on Thursday, March 19, President Ferdinand R. Marcos Jr. reassured the nation that the government is actively...
On Thursday, March 19, Senator Joel Villanueva introduced a legislative measure designed to fortify the Anti-Money Laundering Act (AMLA) against the growing threats of...
- Advertisement -spot_img

Latest article

- Advertisement -spot_img