25.4 C
Batangas

Tech-Voc training center, binuksan para sa kabataang Tayseño

Must read

TAYSAN, Batangas — SA panahong ito, higit na kailangan ng mga Kabataan, lalo na ng mga nabibilang sa out-of-school youth (OSYs) ang edukasyon, o maging ang batayang kaalamang industriyal man lamang upang magkaroon ng tyansang makapagtrabaho sa iba’t ibang larangan.

Ito ang misyon, at pangangailangang tinutugunan ngayon ng pamilyang Villena sa bayan ng Taysan.

Nitong nakaraang Sabado, Nobyembre 16, pormal na isinagawa ang pagbabasbas at inagurasyon ng Philippine Institute for Technical Education (PITE) – ang training center para sa mga kabataang Tayseño.

Ang sentrong ito ay accredited ng Technical Education and Skills Development Authority (TESDA) at itinatag bilang pangunahing component ng Social Development Management Program ((SMDP) ng Gelston Trading & Services Inc. sa pakikipagtulungan ng Montevil Trading Corp., TESDA-Batangas at ng Barangay Sto. Nino, Taysan, Batangas.

Pahayag ni PITE Chairman at Gelston Trading & Service Chairman Fina Villena-Gelston, ang training center na ito ang mag-aahon at aakay sa mga Kabataang Tayseño upang magkaroon ng kaalamang teknikal na magbubukas sa kanila para sa mas maraming oportunidad.

Idinagdag naman ni G. Brigido ‘Dhong’ Villena ang commitment ng kaniyang Team Dav na palawigin pa ang mga serbisyong magsusulong sa bayan ng Taysan at sa kanyang mga mamamayan.

Bukas ang PITE sa lakat ng Kabataang Tayseño, at nagbibigay ng libreng pagsasanay sa computer, driving, electrical installation, at marami pang iba.

Ayon aky PITE technical director Ton Caluag, may kausap na silang isang kumpanya na mangangailangan ng daang trabahador para sa electrical installation na bukas kapwa para sa lalaki at babae, kaya malaking oportunidad ito para sa mga Tayseño.

Samantala, ang pagpapasinaya at pagbabasbas ng naturang training center ay isa lamang sa ilang programang inihanda ng pamilya Villena kaanlisabay ng pagdiriwang ng ika-60 kaarawan ni PITE Chairman Fina Villena Gelston.| – Joenald Medina Rayos

- Advertisement -spot_imgspot_imgspot_imgspot_img

More articles

MORE than ₱813 billion in government funds earmarked for priority programs remained unused by 2024, exposing deep weaknesses in oversight, legal frameworks, and budget...
The Christmas season is magical, but let’s be real, it can also feel overwhelming with the office parties, family reunions, and endless gift shopping. That’s...
MANILA, Philippines — Manila Electric Company (Meralco) has formally kicked off the competitive bidding process for 200 megawatts (MW) of baseload renewable energy, marking...
- Advertisement -spot_img

Latest article

- Advertisement -spot_img